ANg pghubog ng laruan sa Paghubog ng pagkatao (A Pan Pil 19 paper)
Posted On Thursday, October 15, 2009 at at 5:25 PM by AndrewAng mga laro o laruan ay isa sa mga una at epektibong instrumento o apparato na siyang humuhubog sa pagkatao natin lalo na sa ating kabataan. Karamihan sa mga laro o namamayaning laro sa kasalukuyan ay humuhubog ng pagkatao natin patungo sa ideolohiya na siyang namamayani sa panahon na iyon. Sa mas partikular na halimbawa, ang mga laro at laruan ay maaring humubog sa pagtingin ng isang tao sa namamayaning gender at sexuality sa panahon na iyon(nagiging Ideological Gender Apparatus siya). At sa paulit-ulit na paggawa ng mga ganitong bagay, tulad ng nabanggit sa itaas, nahuhubog ang pagkatao natin upang tingnan ang bagay na ito bilang siyang norm o batayan ng kung ano ang dapat o katanggap-tanggap sa lipunan. Sa kasalukuyan ang namamayaning pagtingin ay ang lalaki ang: mas malakas, mas matapang, palaban, hindi nagpapakita ng kahinaan, tagapagtanggol, bida, atbp. Sa kabilang banda, ang babae naman ay: mahina, inaapi, inililigtas, tagapag-alaga, taong-bahay lamang, emosyonal, atbp. Sa ganito ring paraan hinuhubog ang pagkatao, gender at sexualidad ng isang bata sa pamamagitan ng mga laruan. Ang mga batang lalake lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan, robot, espada at iba pang mga laruan na nagpapahiwatig ng tapang at sumisimbulo na ang lalaki ang tagapagtanggol o ang malakas. Ang mga laro naman tulad ng Barbie, lutu-lutuan at iba pa ay nagpapahiwatig ng role ng isang babae bilang tagapag-alaga, pagiging mahina at inaapi. Karamihan ng mga laro natin kung hindi man lahat ay nakikitaan ng potential magamit bilang isang apparato o instrumento sa paghubog ng pagkatao ng mga bata at nagiging training ground ito para sanayin sila sa kung ano ang dapat ang maging papel nila sa lipunan.
Pero marami ring mga laro na maaring isipin natin na posibleng lumalaban o humahamon sa kaisipang ito. Karamihan ng mga board games(i.e. chess, snakes and ladders, monopoly) ay nagpapakita ng paghamon sa ideological na gender na namumuno sa isang panahon. Ang pyesa ng Queen sa Chess ay nagpapakita na posibleng maging malakas ang babae. Siya ang may pinakamalakas o pinakamalayong sakop sa paggalaw sa chessboard. Subalit, kahit na may posibilidad na magpakita ito ng lakas ng babae, maaari pa rin natin makita na kahit gaano kalakas pa ang Queen, mas mahalaga pa rin ang King(lalake) at pwedeng maisakripisyo ang Queen para mailigtas ang King dahil pag nakain ang King, talo na ang lahat. At kung susuriin natin para lalo pang magiging kumplikado ang lahat, dahil sinubukan ng pakitaan ng kahinaan ang lalake(na maaring humamon sa ideology na malakas ang lalake), pero ipinapakita na mas importante pa rin ang lalake sa babae kahit na gano pa kalakas ang isang babae. Nangangahulugan na ang larong Chess ay nakikitaan ng paghamon sa kung ano ang norm at pagpapakita na hindi laging malakas ang lalake, ngunit sa banding huli nabibigyan diin pa rin ang importansya ng lalake kaysa sa babae. Ang snake and ladders siguro ay mas magandang ehemplo ng paghamon sa idelohiya na namamayani sa gender and sexuality. Ang pinakacommon na drawing sa snakes and ladders ay yaong ang nasa pinaktuktok o finish line ay isang babae. Hindi lalake ang nasa tuktok, di tulad ng namamayaning idelohiya. Mapapansin din na ang ladder na pag natungtungan ay pinakamalayo ang maaakyat ay isang babae din. Nagpapakita na malayo ang kayang marating ng babae kung siya ay magsusumikap. Ito ay isang magandang halimbawa ng paghamon ng isang laro sa namamayaning gender o sexuality ng isang panahon. Maliban sa mga board games isa pang laro na maaaring kakitaan ng paghamon sa namamayaning gender o sexuality ay ang larong patintero. Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng dalawang o higit pang linya na kung saan, pipigilan ng taya na makalampas ang kalaban sa binabantayan niyang linya. Ito ay isang laro na pwedeng laruin ng sabay ng lalake at babae. Marami ring mga laro na talaga naman pwedeng laruin ng sabay ng babae at lalake. Ngunit ang importansya nito ay sa kadahilanang pwedeng babae ang mamuno at maging pinakamagaling sa larong ito . Sa larong patintero ang pinakamabilis ang siyang nananalo. Tintignan ng mga batang lalake ang kanilang kalarong babae bilang kapantay at kasimbilis nila. Hindi nila binabalewala ito. Dahil ang pokus ng tanong na ito ay ukol sa gender at sexuality, makikita natin ang epektibong paghamon ng larong patintero sa namamayaning gender at sexuality. Ang problema sa patintero ay pumupukol ito sa mga matataba. Ipinapakita na hindi maganda ang maging mataba dahil mabagall ka at hindi ka magandang kakampi. Pero pagdating sa gender at sexuality, epektibo ang patintero sa pagimpluwenysa laban sa namamayaning gender at sexuality. Maraming mga laro ang posibleng kandidiato bilang mga larong humahamon sa namamayaning gender at sexuality ngunit hindi ito masyadong nagiging epktibo dahil karamihan pa rin ng mga laro natin ay humhubog sa pananaw na kung ano dapat ang isang ideal na lalake o babae.